Force Multiplier nakiisa sa Gift Giving sa T’boli, South Cotabato

0
462555143_932356345510509_6315862636073585850_n

Nagkaisa ang mga miyembro ng Force Multipliers at tauhan ng T’boli Municipal Police Station sa isinagawang gift giving activity para sa mga residente ng Datal Dlanag, T’boli South Cotabato.

Naisakatuparan ang programa sa pagtutulungan ng Stream Riders Surallah, IBP T’boli Chapter at T’boli PNP.

Nagbigay ang nasabing grupo sa bawat pamilya ng mga regalo na lubos na ipinagpapasalamat at ikinatuwa ng mga ito.

Layunin ng aktibidad na maipadama ang malasakit sa mga residente at mapadama ang kahulugan ng pasko.

Isang patunay na ang Pambansang Pulisya ay patuloy na nagsusulong ng mga programa at aktibidad para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *