Mga Kabataan ng Baguio-Benguet, nakiisa sa 3-Araw na Youth Development Session

Matagumpay na isinakatuparan ang 3-araw na Youth Development Session sa Alno, La Trinidad, Benguet noong ika-15-17 ng Disyembre, 2024. Nakiisa dito ang Youth Mobile Force Baguio-Benguet at ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Alno, La Trinidad, Benguet, sa pakikipagtulungan ng RMFB15 Technical Mobile Force Company, Pamahalaang Lokal ng Barangay (PLGU), Alno National High School, at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Tampok sa programa ang mga lekturang tumatalakay sa Mental Health Awareness, Anti-Terrorism, Drug Awareness and Fire Awareness.

Kasama rin dito ang iba’t ibang mga gawain sa team-building at mga aktibidad sa self-reflection upang higit na maunawaan ng mga kabataan ang kanilang sarili at ang kanilang papel sa komunidad.

Upang higit pang mapalakas ang epekto ng kaganapan, inimbitahan ang mga magulang at tagapag-alaga ng mga kabataan sa huling araw ng programa.

Isinagawa ang isang oryentasyon tungkol sa open family communication at isang parent encounter upang ipakita ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamilya sa pagpapalaki ng mga kabataan.

Ipinapakita ng inisyatibong ito ang dedikasyon ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapaunlad ng kabataan at sa pagtataguyod ng isang mas maayos na kinabukasan para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *