BPAT’s nakiisa sa Resfresher Training Seminar sa Lanao del Norte
Para sa tuloy tuloy na pagresolba kontra kriminalidad ay nagkaroon ng Refresher Training Seminar ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATS) sa Nunungan, Lanao del Norte nito lamang Disyembre 18, 2024.
Kasama rin sa naturang aktibidad si Police Colonel Roy A Magsalay, Provincial Director ng Lanao De Norte Police Provincial Office, kasama si Police Major Casapi P Dansal, Officer-In-Charge, PCADU.
Tinalakay sa naturang aktibidad ang mga pagsisikap ng naturang grupo upang masugpo ang iba’t ibang krimen lalong-lalo na ang pagsugpo sa iligal na droga sa kanilang nasasakupan.
Kapit-bisig ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan at kinabukasan ng bawat mamamayan sa bansang Pilipinas.