Force Multipliers, nakiisa sa Comprehensive Community Outreach Program ng Zambales PNP

Nakiisa ang Force Multipliers sa Comprehensive Community Outreach Program na isinagawa ng Zambales PNP para sa mga kabataan sa Brgy. San Rafael, San Marcelino, Zambales nito lamang Huwebes, ika-26 ng Disyembre 2024.



Pinangunahan ito ni Police Major Marvin B Domacena, Acting Chief of Police ng San Marcelino Municipal Police Station, katuwang ang mga tauhan ng MSWDO, Bureau of Fire Protection, Barangay Officials, KALIGKASAN Warriors, LGU at CCW (Citizen’s Crime Watch), Guardian Phils., kasama ang Candelaria Global PCR, sa pangunguna ni Ms. Jane Cabrera Manzanero, President, Engr. Elvis Soria and Hon. Dra. Lala Aquino.
Ang nasabing mga grupo ay naghatid ng mga regalo, tsinelas, mga laruan, candies at Feeding program. Tampok din sa programa ang mga kampanya ukol sa edukasyon tulad ng Anti-VAWC, GAD, Anti-Illegal Drug campaign (BIDA) and Community Anti-Terrorism Awareness (CATA), at pagbibigay ng flyers at Gospel Tracts.
Tinatayang 100 kabataan ang nahandugan ng tulong.
Isang patunay lamang na ang Pamahalaan at ang Pambansang Pulisya ay tuloy-tuloy sa pagsasagawa ng mga programa at aktibidad para sa mga mamamayan lalo na sa mga higit na nangangailangan.