Barangay Councils, nakiisa sa Community Christmas Outreach ng Nueva Ecija PNP

0
462566340_884734480409476_8941755373407145910_n

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Councilo sa isinagawang Community Christmas Outreach 2nd Nueva Ecija Provincial Mobile Force Company para sa mga Senior Citizen sa Brgy Piut, Carangglan, Nueva Ecija nito lamang Miyerkules ika-25 ng Disyembre 2024.

Pinangunahan ito ni Police Captain Pepe H Alindayo Jr., Team Leader ng 2nd Nueva Ecija Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga miyembro ng Barangay Councils.

Sa pusong puno ng saya at tunay na diwa ng Pasko, pinasaya ng grupo ang mga nakatatanda sa pamayanan sa pamamagitan ng masiglang pagkanta ng mga paboritong awit ng Pasko, na nagdulot ng kaligayahan at masayang kapaskuhan.

Bukod, dito ang grupo ay nagbigay din ng mga food packs sa bawat benipesyaryo.

Ang inisyatibong ito ay nagpakita ng tunay na kahalagahan ng pagkalinga at pagmamahal sa komunidad sa panahon ng Kapaskuhan, na nag-iwan ng matagal na epekto sa puso ng lahat ng lumahok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *