Skills Enhancement Training, nilahukan ng BPATs sa Norala, South Cotabato

Aktibong lumahok ang ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) sa isinagawang Skills Enhancement Training ng DILG at PNP sa Rizal Gym, Norala, South Cotabato nito lamang ika-27 ng Disyembre 2024.

Inorganisa ang naturang aktibidad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pangunguna ni Heidy A. Agustin, MLGOO. Nakiisa din ang Norala Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Jose I Golez Jr., Acting Chief of Police ng nasabing istasyon.

Tinalakay sa mga dumalo ang kanilang mga tungkulin bilang mga force multipliers at katuwang ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan ng komunidad lalong lalo na sa paggunita ng papalapit na bagong taon.
Layunin nito na mas mapahusay ang galing ng mga miyembro ng BPATs pagdating sa public safety at disater preparedness lalong lalo na ngayong holiday seasons.