San Isidro Parish Children’s Choir, nagsagawa ng Christmas Carolling

0
462555660_3358255694309037_2447177935470890452_n

Bilang bahagi ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng Pasko, nagsagawa ng isang espesyal na Christmas carolling ang San Isidro Parish Children’s Choir at naghandog ng masayang tugtugin sa mga tauhan ng Kapalong Municipal Police Station nito lamang ika-26 ng Disyembre 2024.

Ang makulay at nakakaantig na aktibidad na ito ay nagdala ng masiglang pagtatanghal ng mga awiting Pamasko na labis namang ikinatuwa ng mga kapulisan. Bilang isang tanda ng kanyang suporta at malasakit sa mga kabataang kasapi ng choir, nagbigay si Police Major Bryle F Patalinghug, Hepe ng Kapalong Municipal Police Station ng donasyong salapi upang makatulong sa kanilang mga pangangailangan.

Ang donasyon ay layong magbigay ng pondo para sa pagbili ng mga piring ng gitara at iba pang mga instrumentong pangmusika na kailangan ng choir upang mapabuti pa ang kanilang mga pagtatanghal.

Sa pamamagitan ng ganitong hakbang, pinapalakas ni PMaj Patalinghud ang relasyon ng kapulisan at ng lokal na simbahan, pati na rin ang pagpapahalaga sa mga lokal na talento, lalo na ang mga kabataan.

Ang mga aktibidad tulad nito ay nagbibigay ng pagkakataon sa komunidad na magkaisa at magdiwang sa isang makulay at masayang paraan, habang nagsisilbing inspirasyon para sa mga kabataan na magpatuloy sa kanilang mga pangarap sa larangan ng musika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *