BPATs, nakiisa sa Clean-up Drive
Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team sa Clean-up Drive sa Simmacbot View Deck, Simmacbot, Brgy. Anonat, Paracelis, Mountain Province noong ika-11 ng Enero 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng 1st Maneuver Platoon, 2nd Mountain Province Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga tauhan ng Paracelis Municipal Police Station at Department of Environmental and Natural Resources.
Tulong-tulong at sama-sama ang mga nasabing grupo sa pagkolekta ng mga nakakalat na basura sa mga daanan at kalsada.
Ang masugid na pagtutulungan ng mga naturang grupo ay naglalayong panatilihin ang kalinisan at kagandahan ng kapaligiran para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat isa.
Samantala, ang mga miyembro ng BPATs ay patuloy na makiisa sa mga programa at aktibidad na isinusulong ng kapulisan at patuloy na magbibigay ng magandang serbisyo at susuportahan ang mga programa ng pamahalaan na nakatuon sa pagpapaganda at pagpapaunlad ng kapaligiran.