100 mag-aaral, nakiisa sa Anti-Bullying Lecture ng Maasim PNP

Aktibong lumahok ang mahigit 100 na mga mag-aaral ng Datal Basak Integrated IP School sa isinagawang anti -bullying lecture ng Maasim PNP sa Barangay Kablacan, Maasim Sarangani nito lamang ika-20 ng Enero 2025.

Pinangunahan ang aktibidad ni Police Senior Master Sergeant Renabeth C Corpuz, Chief WCPD PNCO sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Herman J Luna, Hepe ng nasabing istasyon.

Nakiisa din ang Barangay Local Govenrnment Unit (BLGU) at mga stakeholders. Unang tinalakay sa mga mag-aaral ang RA 10621 o Anti-bullying Act of 2013, kasunod ang RA 9262 o Violence Against Women and Children Act, RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act at RA 11313 o Anti-Bastos Law.

Layunin ng ganitong aktibidad na mamulat at magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga kabataan at kababaihan tungkol sa kanilang mga karapatan.

Sinigurado ng PNP na katuwang nito ang mga guro sa pagbibigay ng inspirasyon at kaalaman sa mga kabataan upang masubaybayan ang pagtahak ng mga kabataan sa tuwid na daan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *