Barangay Tanod Skill Enhancement Training, isinagawa sa Lemery Iloilo

Nagsagawa ng Barangay Tanod Skill Enhancement Training at seminar na naglalayong paunlarin ang kaalaman at kasanayan ng mga Barangay Tanod sa Lemery, Iloilo, nito lamang ika-18 ng Enero 2025.

Ang aktibidad na ito ay ginanap sa pakikipagtulungan ng Lemery PNP at pinangunahan ng Lemery Fire Station, sa pangunguna ni SFO2 Charlie G. Gallenero, Acting Municipal Fire Marshal.

Kasama sa naging bahagi ng programa ang pagbibigay ng Fire Safety Lecture sa mga Barangay Tanod mula sa Barangay Gerongan, Omio, San Antonio, at Bankal.

Layunin nito na bigyang kaalaman ang mga tanod tungkol sa tamang pag-iwas at pagresponde sa mga sunog, na isang mahalagang aspeto sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa komunidad.

Bukod dito, itinampok din ang pagpapalakas ng liderato ng mga Tanod Commander upang epektibong maipaabot ang mga natutunang kaalaman sa iba pang miyembro ng kanilang hanay.

Sa ganitong paraan, masisiguro ang maayos at episyenteng serbisyo para sa kapayapaan at kaunlaran ng barangay.

Ang ganitong mga inisyatibo ay patunay ng dedikasyon ng Lemery PNP at Lemery Fire Station sa pagsusulong ng kaligtasan at kaayusan sa bawat barangay.

Ang ganitong mga programa ay nagpapakita ng dedikasyon ng iba’t ibang ahensya sa gobyerno upang mas mapalakas ang kakayahan ng ating mga Barangay Tanod para sa ikabubuti ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *