Goat Raising Training, isinagawa para sa mga Katutubong Aeta sa Tarlac
Sama-sama ang mga iba’t-ibang ahensya ng gobyerno ng San Clemente, Tarlac upang isagawa ang Goat Raising Training para sa mga Katutubong Aeta sa Barangay Maasin, San Clemente, Tarlac nito lamang Linggo ika-19 ng Enero 2025.
Matagumpay ang naturang aktibidad sa ilalim ng programang Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) na pinangunahan ng Tarlac 2nd Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Marco A Added, Force Commander katuwang ang mga tauhan ng DSWD Region 3, Municipal Agriculture Office at Lokal na Pamahalaan ng San Clemente.
Layunin ng akitibidad na ito na makapagbigay ng komprehensibong kaalaman sa pag-aalaga ng kambing sa mga katutubong pamayanan bilang isang pangunahing pinagkakakitaan na gagamitin sa pang araw-araw na pamumuhay.
Patuloy ang PNP kasama ang iba’t ibang organisyasyon sa pagsasagawa ng aktibidad upang maipadama ang malasakit at mapanatili ang magandang ugnayan sa komunidad tungo sa maunlad at mapayapang Bagong Pilipinas.