KKDAT- Sabangan Chapter, nakiisa sa Feeding Program at Gift-Giving Activity
Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Feeding Program at Gift-Giving Activity sa Losad Daycare Center, Losad, Poblacion, Sabangan, Mountain Province noong ika-18 ng Enero 2024.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng mga tauhan ng Sabangan Municipal Police Station at mga PNP pensioners/survivors ng nasabing lugar.
Sama-sama at tulong-tulong ang mga nasabing grupo upang matiyak ang bawat bata ay makakatanggap ng masarap na pagkain at mga regalo.
Nakapagbigay naman ito ng isang maligayang kapaligiran na puno ng ngiti at saya.
Ang sama-samang pagsisikap ay sumasalamin sa diwa ng pagkakaisa at pagiging bukas-palad sa loob ng komunidad ng Sabangan at pinagyayaman ang isang magandang kinabukasan para sa lahat.