BHWs isinailalim sa 3-araw na Orientation at Desensitization ukol sa Adolescent at Reproductive Health Awareness sa CDO

Isinailalim ang mga Barangay Health Worker (BHW) sa 3-araw na Orientation at Desensitization ng Adolescent at Reproductive Health na ginanap sa Hotel de Oro nito lamang ika-21 ng Enero 2025.

Ito ay alinsunod din sa pagsisikap na mabawasan ang insidente ng “teenage pregnancy” maiwasan ang pagdami ng mga kabataang nasasangkot sa masasamang gawain, at mapabuti ang pag-uugali ng mga kabataan patungkol sa kanilang kalusugan.

Sa naturang aktibidad, ibinahagi ng bawat BHW ang kanilang mga karanasan sa pagbibigay ng mga serbisyo mula sa kanilang Level 1 at Level 2 Adolescent-Friendly Health Facilities.

Kasabay nito, mariing pinaalalahanan ang mga BHW tungkol sa mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin ng Data Privacy Act.

Layon ng three-phase orientation plan ay palalimin at palawakin ang kaalaman at turuan ang mga Barangay Health Workers tungkol sa adolescent and reproductive health at itama ang mga maling nakagisnan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *