Zamboanga West National High School, nakiisa sa Awareness Lecture sa Zamboanga City
Nakiisa ang Zamboanga West National High School sa Lectures tungkol sa VAWC (Violence Against Women and Children), Rape, Anti Cybercrime Bullying at Crime Prevention sa Zamboanga West National High school ng Baliwasan, Zamboanga City nito lamang ika 23 ng Enero, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Esnang S Sarapuddin Asst.Team Leader, RPCADU 9, Pat Joanna Marie Soriano at Pat Louise Marie Conde Public Information PNCO, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Diomarie S Albarico Chief Regional Police Community Affairs Development Group 9.
Layunin ng aktibidad na ito na turuan ang mga kabataan upang mabigyan ng tamang impormasyon tungkol sa batas na ito at itaas ang kamalayan ng bawat kabataan.
Alinsunod sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi titigil ang himpilan sa pagkakaroon ng mga programang magpapayabong sa kaalaman at kakayahan ng bawat kabataan.