Food Packs, tsinelas at iba pa, handog sa isinagawang Outreach Program sa Davao de Oro

Masayang tinanggap ng mga residente ng Barangay Panangan sa Maco, Davao de Oro ang mga tulong na ipinagkaloob ng Hexat Mining Corporation at ng Revitalized-Pulis sa Barangay (R-PSB) Cluster 8-A noong Enero 25, 2025.

Kabilang sa mga ipinagkaloob na donasyon ang mga food packs, tsinelas at meryenda. Hindi rin pwedeng palampasin ang pag-abot ng basurahan na makakatulong sa segragasyon ng mga basura.

Sa pamamagitan ng tamang segregasyon ng basura, inaasahan na mababawasan ang mga sakit na dulot ng maling pagtapon ng basura gaya na lamang ng dengue.

Ang mga ganitong inisyatibo ay hindi lamang nakikinabang ang mga lokal na residente kundi nagpapakita rin ng magandang ugnayan at malasakit sa komunidad mula sa mga pribadong sektor tulad ng Hexat Mining Corporation at ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng R-PSB.

Ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga pribadong kumpanya ay isang magandang halimbawa ng bayanihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *