Mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Maria Aurora, Aurora, nakilahok sa Anti-Illegal Drug Awareness Campaign
Sa patuloy na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na droga, aktibong nakiisa ang mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Maria Aurora sa isang talakayan na isinagawa sa 3rd Floor Building, Municipal Hall nito lamang Lunes, ika-27 ng Enero, 2025.
Pinangunahan ni Police Master Sergeant Eric Garcia, Operation PNCO, sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Ferdinand B Usita, Chief of Police ng naturang istasyon.
Ang talakayan ay tumuon sa pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa Drug-Free Workplace Program.
Dumalo ang mga regular at casual na empleyado ng LGU, aktibong nakinig at nakiisa sa talakayan, na nagpapakita ng kanilang dedikasyon sa pagsuporta sa kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga.
Ang aktibidad na ito ay patunay ng matibay na ugnayan ng PNP at LGU, kung saan ang mga empleyado ay nagsisilbing huwaran sa kampanya laban sa ilegal na droga, na nagpapatibay sa layuning magkaroon ng drug-free na komunidad sa Maria Aurora, Aurora.