Advocacy Support Group, kasangga ng ahensya ng gobyerno sa pagbabantay sa pamayanan
Advocacy Support Group, kasangga ng ahensya ng gobyerno sa pagbabantay sa pamayanan

Patuloy ang ginagawang pagbabantay sa pamayanan ng Advocacy Support Group kasama ang pulisya sa Brgy. 2 Enrile, Cagayan nitong Lunes, Pebrero 24, 2025.
Pinangunahan ng Barangay Based Group ang patrolling kasama ng mga miyembro ng Enrile Police Station sa mga lansangan sa nabanggit na barangay.
Layon ng aktibidad na mapalakas ang alyansa ng Kapulisan, Barangay, Advocacy Support Groups at Lokal na Pamahalaan para sa isang mas epektibong programa sa pagsugpo ng mga krimen at pagpapanatili ng kaayusan sa pamayanan.
Isa ang patrolling at visibility sa pinakaepektibong paraan upang maiwasan ang mga krimen na siyang isinusulong na katahimikin at kaligtasan sa komunidad.