Drug Symposium at Lecture, isinagawa sa Loay Bohol

0

Drug Symposium at Lecture, isinagawa sa Loay Bohol

viber_image_2025-03-02_20-38-22-662

Nakiisa ang mga mag-aaral ng Sagnap Elementary School sa isinagawang Drug Symposium at Lecture na ginanap sa Barangay Sagnap, Loay, Bohol, noong ika-28 ng Pebrero 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Loay Municipal Police Station at dinaluhan ng mag-aaral mula Grade 4 hanggang Grade 6 ng nasabing paaralan.

Isa sa mga mahahalagang bahagi ng talakayan ay ang pagbibigay ng impormasyon sa panganib ng ilegal na droga at ang epekto nito sa pisikal, mental, at emosyonal na kalagayan ng isang tao. Tinalakay din ang Anti-Bullying Act (R.A. 10627) upang ipaintindi sa mga mag-aaral ang iba’t ibang anyo ng bullying at ang negatibong epekto nito sa mga biktima. 

Dagdag pa rito, ipinaliwanag din ang Anti-Child Abuse Law (R.A. 7610), na nagbibigay-proteksyon sa mga bata laban sa anumang uri ng pang-aabuso. 

Ang ganitong gawain ay patuloy na isinasagawa upang tiyakin ang kaligtasan, proteksyon, at kapakanan ng mga kabataan sa kanilang nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *