Mag-aaral ng Maddarulug Elementary School, nakiisa sa Lecture sa Cagayan
Mag-aaral ng Maddarulug Elementary School, nakiisa sa Lecture sa Cagayan

Aktibong nakiisa ang mga Grade III na mag-aaral ng Maddarulug Elementary School sa isinagawang lecture ng Enrile Police Station sa Barangay Maddarulug Norte, Enrile, Cagayan noong ika-3 ng Marso 2025.
Pinangunahan ni Police Corporal Tomasa Gacutan, MCAD PNCO ng Enrile Police Station, Cagayan Police Provincial Office ang naturang aktibidad na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa iba’t ibang uri ng krimen.


Tinalakay sa nasabing lecture ang anti-bullying, masamang epekto ng ilegal na droga, mapanlinlang na pangangalap ng makakaliwang grupo bilang suporta sa anti-terrorism/EO70 NTF-ELCAC upang mapanatili ang kapayapaan, makaiwas sa krimen, at mga hakbang upang maprotektahan ang publiko laban sa iba’t ibang banta sa seguridad.
Layunin nito na patuloy na magbigay ng kaalaman sa pamamagitan ng ganitong mga lecture upang mapalakas ang ugnayan ng pulisya at komunidad, mapaigting ang seguridad, at mapanatili ang kapayapaan sa bawat barangay.