Women’s Month, ipinadiwang sa pamamagitan ng Friendship Game sa Palawan
Women’s Month, ipinadiwang sa pamamagitan ng Friendship Game sa Palawan
Matagumpay na isinagawa ang isang friendship game bilang pagdiriwang ng Women’s Month 2025 sa Sitio Maria Hangin, Balabac, Palawan nito lamang ika-2 ng Marso 2025.
Ang naturang palaro ay inorganisa ng mga opisyal ng barangay para sa mga kababaihan sa lugar na nilahukan ng mga tauhan ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company (1st PPMFC).
Layunin nitong palakasin ang pagkakaisa, at pag-unlad ng kabataan habang pinapalakas ang ugnayan sa pagitan ng puwersa ng ahensya ng gonyerno at lokal na komunidad.
Ang kaganapang ito ay hindi lamang nagtataguyod ng pisikal na kagalingan at gumaganap din ng isang mahalagang papel sa pagbuo ng mas matibay na pagkakaisa at kaligtasan ng publiko.