Fire Prevention Month Kick Off Ceremony, isinagawa sa Palawan

Fire Prevention Month Kick Off Ceremony, isinagawa sa Palawan

Matagumpay na sinimulan ang pambansang pagdiriwang ng Fire Prevention Month (FPM) alinsunod sa Presidential Proclamation 115-A ni dating Pangulong Ferdinand de M. Marcos sa pamamagitan ng isang motorcade sa kahabaan ng Poblacion Barangays ng Roxas, Palawan nito lamang ika-3 ng Marso 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng BFP-Roxas na nilahukan ng mga tuahan ng 2nd Palawan Provincial Mobile Force Company, Roxas Traffic Enforcement Group, MDRRMO-Roxas, MBLT-11, PCG-NCP, Roxas MPS, DILG, LGU-Roxas, Barangay Officials, Advocacy Support Groups, at Fire Volunteers mula sa iba’t ibang sektor ng civic community.

Layunin nitong itaas ang kamalayan ng publiko tungkol sa kahalagahan ng fire safety, hikayatin ang pagsunod sa mga patakaran sa pag-iwas sa sunog, at suportahan ang mga programa ng pamahalaan upang mapababa ang insidente ng sunog.

Source: 2nd Palawan PMFC

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *