Project GRACE BUMP, isinagawa sa Lubo National High School
Project GRACE BUMP, isinagawa sa Lubo National High School

Naisakatuparan ang proyektong Project GRACE BUMP na isinagawa sa Lubo National High School sa Brgy. Lubo, Sto Nino, Cagayan noong ika-2 ng Marso 2025.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatiba ng Sto. Niño Police Station sa pangunguna ni Police Captain Melody Grace Ballesteros, Asst. Chief of Police ng nasabing istasyon.

Ang Project GRACE BUMP o Gearing towards Rapid Action in Ending Rape Cases/Crimes and Encouraging Community Engagement through Building Unified Movement for the Public ay may layuning isulong ang isang ligtas at makatarungang lipunan.
Sa ilalim ng proyektong GRACE BUMP tinalakay ang R.A. 8353 o Anti-Rape Law of 1997 at nagbigay ng mahahalagang impormasyon sa pag-iwas at hindi maging biktima ng pang-aabuso at mga kaukulang parusa sa paglabag ng batas na ito.
Ang proyekto ay binuo upang tugunan ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng panggagahasa at iba pang karahasang sekswal sa nasabing lugar.
Patuloy na pinapalakas ang ugnayan at pakikiisa ng bawat miyembro ng komunidad upang mabawasan ang kriminalidad upang maging ligtas at payapa ang pamayanan.