BPATs, sumailaim sa Livelihood Training sa Rizal
BPATs, sumailaim sa Livelihood Training sa Rizal

Sumailalim ang mga myembro ng Barangay Peacekeeping Action Team at Barangay Health workers sa isinagawang livelihood training sa paggawa ng dishwashing liquid sa Barangay Santa Ana, San Mateo, Rizal nito lamang Marso 3, 2025.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng San Mateo MPS sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Jonathan D. Ilay. Lumahok din sa aktibidad ang mga kababaihan ng Kilusang Bagong San Mateo, Inc., BPATs, Barangay Health Workers (BHW), at mga intern mula sa ICCT Colleges.


Sa pamamagitan ng ganitong mga pagsasanay, napapalakas ang samahan sa barangay at nabibigyan ng bagong oportunidad ang mga residente.
Ang aktibong partisipasyon ng mga kasapi ng barangay ay isang halimbawa ng kanilang malasakit at determinasyon na makatutulong sa mamamayan. Patuloy nilang ipinamamalas ang kanilang misyon hindi lamang sa pagbabantay ng kapayapaan kundi pati na rin sa pagsuporta sa kabuhayan ng kanilang komunidad.