Youth Leadership Summit, isinagawa sa Negros Oriental

0

Youth Leadership Summit, isinagawa sa Negros Oriental

viber_image_2025-03-09_16-06-34-956

Matagumpay na naisakatuparan ang Youth Leadership Summit na dinaluhan ng mga kabataan na ginanap sa Barangay Azagra Gymnasium, Tanjay City, Negros Oriental, noong ika-7 ng Marso 2025.

Dumalo din sa ang mga kapulisan mula sa sa Tanjay City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ricardo B Tero, hepe ng naturang himpilan. 

Ang programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng sama-samang pagsisikap ng Tanjay Local Youth Development Office, 11th Infantry (Lapu-Lapu) Battalion, 3ID, Philippine Army, Youth For Peace Organization, City Government of Tanjay, at iba pang katuwang na ahensya. 

Layunin ng aktibidad na bigyang-kaalaman ang kabataan ukol sa kanilang mga karapatan at responsibilidad. Ang ganitong mga aktibidad ay isang hakbang tungo sa mas matibay at mas ligtas na kinabukasan para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *