Mga opisyal ng Barangay, nakiisa sa BADAC meeting sa Bohol

Mga opisyal ng Barangay, nakiisa sa BADAC meeting sa Bohol

Masigasig na nakiisa ang mga opisyal ng Barangay sa  Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) na ginanap sa Brgy. San Carlos, Catagdaan, at Cansungay, Pilar, Bohol, noong ika-5 ng Marso 2025.

Ito ay pinangunahan ng Pilar Municipal Police Station sa pamumuno no Police Captain Waldo Suraliza Batad, hepe ng nasabing himpilan.

Isa sa mga pangunahing agenda ng pagpupulong ay ang mga updates sa kampanya laban sa iligal na droga, partikular na ang Drug Clearing Program. Tinalakay din ang Anti-Terrorism Campaign sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na may layuning sugpuin ang mga banta ng insurhensya at panatilihin ang seguridad sa komunidad. 

Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipagtulungan ng barangay at mga ahensya ng gobyerno ay mas napapalakas ang mga programang naglalayong labanan ang kriminalidad at iligal na gawain sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *