Eagle Force Multiplier Organization Inc., sumailalim sa Lecture at Training
Eagle Force Multiplier Organization Inc., sumailalim sa Lecture at Training

Sumailalim ang mga miyembro ng Eagle Force Multiplier Organization Inc. sa lecture at training na ginanap sa Barangay Cabang, Jimalalud, Negros Oriental, noong ika-6 ng Marso 2025.
Ito ay pinangunahan ng Jimalalud Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Cecile J Mingay, Officer-In-Charge.


Tinalakay sa lecture ang mahahalagang paksa tulad ng Anti-Criminality, Citizen Arrest, Handcuffing Technique, Anti-Terrorism, Anti-Illegal Drugs, at Crime Prevention.
Ipinaliwanag sa mga kalahok ang kahalagahan ng citizen arrest, o ang karapatan ng isang mamamayan na magsagawa ng pag-aresto sa sinumang mahuli sa aktong gumagawa ng krimen.
Gayundin, itinuro sa kanila ang tamang paraan ng paggamit ng posas upang matiyak ang maayos at ligtas na paghawak sa isang kriminal nang hindi nalalabag ang kanyang karapatan.
Bukod dito, tinalakay rin ang mga batas at programa laban sa terorismo at ilegal na droga, pati na rin ang mga epektibong hakbang upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang komunidad. Binibigyang-diin ng aktibidad na ang kooperasyon ng mamamayan ay mahalagang bahagi ng matagumpay na pagpapatupad ng batas.
Sa pamamagitan ng tamang kaalaman at pagsasanay, mas magiging epektibo ang mga miyembro ng EFMOI sa pagsuporta sa mga ahensya ng gobyerno sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang nasasakupan.