Miyembro ng kababaihan, nakiisa sa Women Empowerment Seminar
Miyembro ng kababaihan, nakiisa sa Women Empowerment Seminar

Nakiisa ang mga miyembro ng kababaihan sa isinagawang Women Empowerment Seminar na ginanap sa Covered Court Barangay Paradahan Uno, Tanza, Cavite nito lamang Lunes, ika-11 ng Marso 2025.


Ito ay pinangunahan ng mga Barangay Officials ng naturang Barangay kasama ang mga kapulisan ng Tanza Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Al-Rieza S Kinang, Officer-In-Charge.
Tinalakay sa aktibadad ang paksa ukol sa Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004, Rape Law o RA 8353 at Anti-Bastos Law o RA 11313 kaugnay sa National Women’s Month.
Layunin ng aktibidad na itaas ang kamalayan ng mga kababaihan tungkol sa karahasan na nakabatay sa kasarian, pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng kasarian, pagtataguyod para sa mas matibay na batas at patakaran at pagpapakilos ng mga komunidad tungo sa maayos at ligtas na pamayanan.