Barangay Symposium, isinagawa sa Alangalang, Leyte

Matagumpay na isinagawa ang Barangay Symposium na nilahukan ng mga kababaihang opisyales ng Barangay Hubang, Alangalang, Leyte nito lamang Marso 16, 2025.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng mga tauhan ng Alangalang Municipal Police Station sa pamumuno ni Police major Godofreed C Zantua, Acting Chief of Police.

Tinalakay sa aktibidad ang paksa ukol sa RA 9165 “ Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002), R.A. 11313 (Safe Spaces Act), R.A. 8353 (Anti-Rape Law of 1997), R.A. 9262 (Violence Against Women and Their Children), R.A. 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act), R.A. 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act), Gender Awareness, R.A. 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), E.O. 70 “End Local Communist Armed Conflict” at gayundin kaugnay sa National and Local Election 2025.

Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng 2025 National Women’s Month na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas”

Sa pamamagitan ng aktibidad, binibigyan ng sapat na kaalaman ang publiko upang maging responsable at disiplinadong mamamayan. Sa pagkakaisa ng kapulisan at mamamayan, mas madaling mapapanatili ang kaayusan at seguridad sa lipunan. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *