Symposium Activity, isinagawa sa Cebu Eastern College

0
viber_image_2025-03-17_20-22-02-060

Nakiisa sa Symposium Activity ang mga mag-aaral ng Cebu Eastern College na ginanap sa College Gymnasium, Pahina Central, Cebu City, noong ika-15 ng Marso 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan mula sa Police Station 5, Cebu City Police Office sa pamumuno ni PMaj Ronel Ariola Royo, Station Commander.

Tinalakay sa seminar ang R.A. 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004,” na naglalayong protektahan ang kababaihan at kanilang mga anak laban sa anumang anyo ng karahasan, maging ito man ay pisikal, emosyonal, sikolohikal, o pinansyal. Ipinaliwanag din ang R.A. 11313 o “Safe Spaces Act,” na mas kilala bilang “Anti-Bastos Law,” na tumutugon sa mga kaso ng pambabastos at sexual harassment sa mga pampublikong lugar, opisina, paaralan, at online platforms.

Layunin ng seminar na mapalawak ang kamalayan ng mga kabataan tungkol sa mga batas na nagpoprotekta sa kanilang karapatan at seguridad. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagsasagawa ng tamang hakbang upang maiwasan at maipaglaban ang anumang uri ng pang-aabuso at harassment. 

Sa pamamagitan ng edukasyon at tamang impormasyon, inaasahang mas maraming indibidwal ang magiging mas mulat at handang lumaban sa anumang uri ng karahasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *