BIDA Kabataan 2025 Symposium, isinagawa sa Iloilo
Matagumpay na isinagawa ang BIDA Kabataan 2025 Symposium na ginanap sa Barangay Pagotpot, Cabatuan, Iloilo nito lamang ika-18 ng Marso 2025.
Ito ay pinangunahan ng mga tauhan ng Cabatuan Municipal Police Station at nilahukan ng mga kabataan.


Layunin ng nasabing Symposium na bigyang-kaalaman ang mga kabataan tungkol sa batas at tamang asal bilang bahagi ng kanilang paghubog na maging responsableng mamamayan.
Tinalakay sa naturang programa ang Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, mga mahahalagang ordinansa ng munisipalidad, at mga tips upang maiwasan ang krimen sa komunidad.
Ang BIDA Kabataan 2025 ay isang mahalagang hakbang upang mapanatili ang kahandaan at kaalaman ng kabataan sa mga batas at regulasyong umiiral sa ating bansa.
Sa patuloy na pagtutulungan ng kapulisan, komunidad, at kabataan, higit pang mapapalakas ang kanilang papel bilang tagapagtaguyod ng kaayusan, disiplina, at kaunlaran tungo sa isang mas maayos na lipunan.