BPATs, nakiisa sa dayalogo sa Enrile Cagayan

Aktibong nakiisa sa isinagawang dayalogo ang mga miyembro ng Barangay Peace Action Team (BPATs) at mga opisyal ng Barangay Inga sa Enrile, Cagayan nito lamang ika-18 ng Marso 2025.
Pinangunahan ito ng Enrile Police Station na may layuning palawakin ang kaalaman ng mga BPATs at opisyales ng barangay sa tamang pagpapatupad ng seguridad sa kanilang nasasakupan.
Tinalakay sa nasabing aktibidad ang iba’t ibang estratehiya sa pagpapanatili ng kapayapaan, pag-iwas sa krimen, batas hinggil sa Anti Bastos Law, Anti Rape Law at mga hakbang upang maprotektahan ang publiko laban sa iba’t ibang banta sa seguridad.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng agarang pag-aksyon at epektibong koordinasyon sa pagitan ng barangay at kapulisan sa pagtugon sa mga insidente.
Layunin din nito na patuloy na magbigay ng kaalaman sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad upang mapalakas ang ugnayan ng mga ahensya ng gobyerno at komunidad, mapaigting ang seguridad, at mapanatili ang kapayapaan sa kanilang nasasakupan.