Mga Opisyal ng Barangay, nakiisa sa Inter-Agency Meeting sa Negros Oriental

Nakiisa ang mga opisyal ng barangay sa Inter-Agency Meeting na ginanap sa Barangay Cabalayongan, Basay, Negros Oriental, noong ika-22 ng Marso 2025.
Dumalo din ang mga tauhan ng Basay Municipal Police Station, kasama ang 4th SOU PNP Maritime, PNP Basay, RHU, MENRO, at iba pa.
Isa sa mga pangunahing paksang tinalakay ay ang kampanya laban sa terorismo at ekstremismo na may kaugnayan sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Napag-usapan din ang mga plano at programa ng iba’t ibang ahensya, kabilang ang paghahanda sa mga sakuna at pag-iwas sa mga krimen. Tinalakay rin ang apat na pangunahing krimin na dapat pagtuunan ng pansin, pati na rin ang mga hakbang upang mapigilan at malutas ang mga ito.
Ang layunin ng pagpupulong ay talakayin ang mahahalagang isyu, programa, at mga hakbang upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lugar.