14th Save the Puerto Princesa Bays at Scoop Basura Competition, isinagawa sa Puerto Princesa City

Matagumpay na isinagawa ang 14th Save the Puerto Princesa Bays and Scoop Basura Competition na ginanap sa Barangay Mandaragat, Puerto Princesa City nito lamang ika-22 ng Marso 2025.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng ng Local Government Unit ng Puerto Princesa. Nakilahok sa aktibidad ang mga tauhan ng Police Station 1, Puerto Princesa City Police Office, PCG, BFP, BJMP, AFP, mga residente ng Barangay Mandaragat, iba pang ahensya ng gobyerno, at non-government organizations.
Layunin nitong mapanatili ang kalinisan ng mga baybayin at anyong dagat ng Puerto Princesa sa pamamagitan ng sama-samang paglilinis, upang mapangalagaan ang kapaligiran at buhay-dagat.