Edukasyon ukol sa Crime Prevention, hatid sa mga kabataan sa ginanap na dayalogo

Isang makabuluhang hakbang tungo sa pagpapalakas ng kamalayan ng kabataan sa usapin ng kaligtasan at pag-iwas sa krimen ang isinagawa ng mga tauhan ng Digos City Police Station noong Mayo 25, 2025 sa Eastern Mindanao Arabic Institute.

Sa isinagawang dayalogo, tinalakay ng mga pulis ang mga simple ngunit mahalagang paalala upang maiwasan ang kapahamakan, tulad ng pag-iwas sa pakikipag-usap sa mga hindi kilala, pagiging mapanuri sa kapaligiran, at ang responsableng paggamit ng social media.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng maagap na pag-uulat ng anumang kahina-hinalang kilos o pangyayari sa mga awtoridad.

Masigla at aktibo ang naging partisipasyon ng mga kabataang dumalo sa programa. Malaya na naibahagi ang kanilang mga karanasan, pananaw, at katanungan kaugnay ng seguridad sa kanilang komunidad.

Ayon sa Digos City Police Station, mahalaga ang papel ng kabataan sa pagtataguyod ng ligtas na pamayanan, kaya’t kailangang maagang maituro ang tamang kaalaman at wastong gawi pagdating sa seguridad – lalo na sa harap ng mga banta sa parehong digital at pisikal na mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *