LGU, PNP, at iba pang grupo, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive sa Dapitan
Nakiisa ang mga tauhan ng Dapitan City Police Station sa isang coastal clean-up drive na isinagawa ika-23 ng Mayo 2024, ganap na alas-7:00 ng umaga sa Dapitan City Children’s Park, Barangay Bagting, Dapitan City.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Local Government Unit (LGU) ng Dapitan at nilahukan ng mga miyembro ng Pulis ug Dapitanon Defenders (PDD), mga ahensyang pampamahalaan, at mga boluntaryo mula sa komunidad.

Layon ng nasabing clean-up drive na mapanatili ang kalinisan ng baybayin at itaas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan, partikular na sa mga coastal area na madalas naaapektuhan ng polusyon.
Buong suporta ang ipinamalas ng Dapitan CPS sa nasabing gawain bilang bahagi ng kanilang adbokasiya para sa kalikasan at pagbibigay serbisyo sa mamamayan.