Pulong-pulong ukol sa Crime Prevention, NTF-ELCAC, at VAWC, isinagawa

Isang matagumpay na pulong-pulong/dialogue ang isinagawa noong Mayo 30, 2025 sa Zone 3, Barangay Piso, Mati City, Davao Oriental.
Pinangunahan ni Patrolwoman Daphne L Pasaol, mula sa Regional Police Community Affairs and Development Unit 11 (RPCADU 11), ang nasabing dayalogo.

Layunin nitong palalimin ang kaalaman ng mga mamamayan, partikular na ng mga health workers, hinggil sa mga isyung pangkapayapaan at seguridad sa komunidad.
Kabilang sa mga tinalakay ay ang mga hakbang upang maiwasan ang krimen, mga inisyatibo ng pamahalaan sa pagtatapos ng insurhensiya at mga batas at mekanismong pang-proteksyon sa kababaihan at kabataan laban sa karahasan.
Sa pamamagitan ng ganitong aktibidad, layunin ng kapulisan at lokal na pamahalaan na mapalawak ang kaalaman ng mga mamamayan at mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng komunidad at ng mga tagapagpatupad ng batas.