Ugnayan sa Barangay through Lecture Program, isinagawa

Isinagawa at dinaluhan ng mga kabataan, kababaihan, mga miyembro ng Lupong Tagapamayapa, Peace and Order Chairman, at Chief Tanod ng barangay ng Poblacion Piñan ang isang pagtitipon nito lamang Mayo 29, 2025 sa Poblacion, North Piñan, Zamboanga del Norte.

Katuwang sa nasabing Ugnayan sa Barangay ang mga tauhan ng Piñan Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Evelyn F Porras, Officer-In-Charge, katuwang ang 97th Infantry Battalion ng Philippine Army at mga kinatawan ng Philippine Drug Enforcement.

Layunin ng aktibidad na magbigay ng mahalagang impormasyon at dagdag kaalaman ukol sa mga isyu at batas na may kinalaman sa seguridad at kaayusan ng komunidad.

Tinalakay sa programa ang mga sumusunod na paksa:Child Exploitation, Violence Against Women and Children (VAWC), Batas Trapiko o RA 4136, RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), Barangay Drug Clearing Program at kalagayan ng Drug Clearing Folder, Ligtas SUMVAC 2025 (Summer Vacation safety campaign) at iba pang mga paalala para sa kaligtasan ng publiko.

Nagpahayag naman ng suporta ang mga kalahok at kanilang kahandaang makipagtulungan sa kapulisan sa pag-uulat ng anumang insidente o kriminalidad sa kanilang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *