Anti-Vape at Anti-Smoking Lecture, isinagawa sa Sto Niño, South Cotabato

Matagumpay na isinagawa ang Anti-Vape at Anti-Smoking Lecture na dinaluhan ng mga kabataan bilang bahagi ng Summer Youth Camp 2025 sa Barangay Teresita, Sto Niño, South Cotabato nito lamang ika-31 ng Mayo 2025.
Isinagawa ng mga tauhan ng Sto Niño MPS ang nasabing lecture sa pangunguna at pamumuno ni Police Major Raymon L Faba, hepe ng nasabing istasyon.

Iniisa-isang pinaalam sa mga kabataan ang masasamang epekto ng paninigarilyo at paggamit ng Vape. Binigyan diin sa kanila na hindi nakakatulong sa maayos at malusog na kalusugan ang paggamit ng mga ito. Tinalakay din sa kanila ang Anti-Terrorism Law.
Layunin ng aktibidad na ito na magkaroon ng kaalaman at kamalayan ang mga kabataan tungkol sa masamang dulot ng vape at sigarilyo. Sinisigurado ng Pulisya na sa pamamagitan ng lecture na ito ay magiging positibo ang mga kabataan na umiwas sa paggamit ng mga ito.