Barangay Public Safety Officers, nakiisa sa Community Anti-Terrorism Awareness (CATA) Seminar

Nakiisa ang mga miyembro ng Barangay Public Safety Officers sa isinagawang Community Anti-Terrorism Awareness (CATA) Seminar na ginanap sa Barangay Cambinocot, Cebu City, Cebu, noong ika-30 ng Mayo 2025.
Ito ay sa pangunguna ng City Mobile Force Company, Cebu City Police Office, sa pamumuno ni PLtCol Ferdinand Modales Casiano, Force Commander.

Tinalakay sa naturang seminar ang kasalukuyang kalagayan ng kapayapaan at kaayusan sa barangay, ang banta mula sa mga Communist Terrorist Groups (CTGs), at ang kahalagahan ng Executive Order No. 70 – isang kautusan na layong wakasan ang lokal na armadong tunggalian sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga ahensya ng pamahalaan.

Binigyang-diin din sa pagtitipon ang kahalagahan ng kooperasyon ng bawat mamamayan upang mapanatili ang katahimikan sa komunidad. Hinikayat ang lahat na agad na magsumbong sa mga awtoridad kung may mapansin silang kahina-hinalang kilos o presensya ng mga kahina-hinalang indibidwal sa kanilang paligid.
Ang ganitong mga aktibidad ay bahagi ng patuloy na kampanya ng kapulisan na isulong ang kaalaman, pagbabantay, at pagbibigkis ng komunidad laban sa terorismo at iba pang banta sa seguridad.