Force Multipliers, nakiisa sa Information Awareness ng Lucban PNP

Aktibong nakiisa ang mga BHW/Force Multipliers sa isinagawang Information Awareness na ginanap sa Kamay Ni Hesus Barangay 8, Lucban, Quezon Province nito lamang Lunes, ika-2 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Naisagawa ang aktibidad na ito sa pangunguna ni PCMS Marvin M Montes, Intel Admin PNCO sa pamumuno ni Police Major Bryan A Vicedo, Acting Chief ng Lucban Municipal Police Station kasama ang mga BHW/Force Multipliers ng nasabing barangay.
Tinalakay sa mga ito ang patungkol sa Anti-Illegal Drugs, Anti-Thief Awareness, Ligtas SUMVAC 2025, Crime prevention Awareness, at Anti-Criminality.
Ang ganitong uri ng aktibidad ay naglalayon na mabigyan pa ng dagdag kaalaman ang mga mamamayan lalo na sa mga batas para maiwasan ang paglabag sa karapatang pantao at mapanatiling ligtas ang bawat isa tungo sa isang Bagong Pilipinas na puno ng pag-asa at pagbangon.
Source: Lucban Qppo Pcad