BADAC at BPOC Meeting, Isinagawa sa Siquijor

Nagsagawa ng buwanang pagpupulong ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at Barangay Peace and Order Council (BPOC) na ginanap sa Barangay Tagmanocan, Lazi, Siquijor, noong ika-2 ng Hunyo 2025.
Nakiisa din ang mga kapulisan mula sa Lazi Municipal Police Station. Tinalakay sa pagpupulong ang mga hakbang na isinusulong laban sa ilegal na droga, kabilang na ang mga programa para sa rehabilitasyon at pagbibigay ng edukasyon sa mga residente. Isa rin sa mga pangunahing usapin ang pagbabantay laban sa banta ng terorismo at mga gawaing kriminal sa barangay, lalo na sa mga liblib na bahagi ng lugar.
Ang ganitong mga pagpupulong ay nagpapakita ng patuloy na dedikasyon ng kapulisan sa ilalim ng programang Bagong Pilipinas tungo sa isang ligtas, maayos, at maunlad na pamayanan. Sa pamamagitan ng mga konkretong hakbang at bukas na komunikasyon sa mga barangay, mas pinatitibay ang ugnayan ng pulisya at mamamayan.