Force Multiplier Mobilization, isinagawa sa Santa Fe Leyte

Nakiisa ang mga Force Multiplier sa isinagawang mobilization ng mga tauhan ng Santa Fe Municipal Police Station sa kabilang masasakupan sa Santa Fe, Leyte nito lamang Hunyo 1, 2025.
Ang inisyatiba ay pinangunahan ng Santa Fe Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Glenn P Chavero, Officer-In-Charge kasama ang mga BPAT ng nasabing lugar.
Nagsagawa ng pagbisita, presensya ng pulisya, mobilisasyon at paggamit ng mga BPAT upang maipatupad ang ordinansa, patakaran at layunin sa pangangalaga at pagbibigay ng serbisyo sa publiko.
Nakatuon na maglingkod sa publiko ang mga grupo nang may lubos na integridad at propesyonalismo upang magkaroon ng isang mapayapa at ligtas na komunidad.