Muslim Vendors, nakiisa sa Dayalogo/Talakayan ng Tagaytay PNP

Maayos na naisagawa ang dayalogo/talakayan ng Tagaytay Component City Police Station na ginanap sa Tagaytay City Market, Barangay Tolentino East, Tagaytay City, Cavite nito lamang Lunes, ika-2 ng Hunyo taong kasalukuyan.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan bg Tagaytay Component City Police Station sa direktang pangangasiwa ni PLtCol Jefferson P Ison, Officer-In-Charge kasama ang mga Muslim Vendors ng nasabing lugar.
Ang dayalogo o talakayan ay patungkol sa Crime Prevention at Anti-Criminality.
Layunin nitong suportahan ang mga programa ng ating Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., na makatulong na maiwasan ang mga krimen, droga at insurhensiya at mapanatili ang kaligtasan, katahimikan at kaayusan sa ating lipunan.
Source: Tagaytay CCPS