Second Quarter joint meeting, isinagawa sa Torrijos, Marinduque
Matagumpay na isinagawa ang Second Quarter joint meeting ng council of municipal tourism and local culture and arts council na ginanap sa Barangay Poblacion, Torrijos, Marinduque nito lamang ika-5 ng Hunyo 2025.
Naisakatuparan ang aktibidad sa pangunguna ng lokal na pamahalaan at iba pang stakeholders.
Aktibo rin na nakilahok ang Torijos Municipal Police Station sa katauhan ni Police Lieutenant Macrino Romeo R Palma II, DCOPA.
Tinalakay sa aktibidad ang hinggil sa Anti- Terrorism, Anti- Illegal drugs, Peace and order at ELCAC.
Layunin ng talakayan na talakayin ang mga natamong resulta, suriin ang mga isyung kinaharap, at magplano ng mga hakbang para sa ikalawang bahagi ng taon.
Source: Torrijos MPS