Bloodletting Activity, isinagawa sa Jiabong, Samar

Naging matagumpay ang isinagawang Bloodletting Activity ng Jiabong Rural Health Unit sa Barangay Karunungan, Jiabong, Samar nito lamang Hunyo 13, 2025.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga kawani ng Rural Health Unit ng Jiabong na nilahukan ng Jiabong Municipal police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Jem Henessy C Fallong, Officer-In-Charge.

Ang aktibidad ay naayon sa World’s Blood Donor Day na may temang “Dugo Alay sa Buhay”. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, mas maraming buhay ang maaaring maisalba, lalo na sa mga nangangailangan ng agarang pagsasalin ng dugo.

Ang dedikasyon ng grupo sa serbisyong medikal ay isang malaking tulong sa pagsigurong may sapat na suplay ng dugo para sa mga nangangailangan sa Eastern Visayas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *