Bloodletting activity, isinagawa sa Sarangani Province

Nagsagawa ng bloodletting activity ang Sarangani Provincial Hospital sa Capitol Complex, Alabel, Sarangani Province nito lamang Hunyo 14, 2025.
Katuwang sa naturang aktibidad ang Philippine Red Cross, Provincial Headquarters, Alabel Municipal Police Station, 1st Sarangani Province Mobile Force Company at iba’t-ibang personahe ng Sarangani Province.

Dumaan sa masusing screening ang mga donor upang matiyak ang kaligtasan ng parehong magdo-donate at mga makikinabang sa nalikom na dugo.
Layunin ng aktibidad na ito na makalikom ng ligtas na dugo na maaaring gamitin sa mga nangangailangan, mapalaganap ang kamalayan sa kahalagahan ng pagdo-donate ng dugo, at maisulong ang bayanihan at malasakit sa kapwa.