Barangay Officials ng Barangay Sampaloc 2, nakiisa sa talakayan ng Sariaya PNP

Nakiisa ang mga Barangay Officials ng Barangay Sampaloc 2 sa isinagawang talakayan ng Sariaya Municipal Police Station sa Barangay Sampaloc 2, Sariaya, Quezon nito lamang Huwebes, ika-19 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni PLtCol Marcelino B Pipo Jr, Officer in Charge ng Sariaya Municipal Police Station kasama ang mga Barangay Officials sa pangunguna ni Hon Madelyn Hernandez, Barangay Chairperson.

Tinalakay ang patungkol sa Crime Prevention, RA 9262, RA 8353, 8 Focus Crime, NTF – End Local Communist Armed Conflict (ELCAC), OPLAN balik eskwela, Anti-Illegal Drugs Campaign at Project L.U.K.A.S.

Naging matagumpay ang aktibidad at labis ang pasasalamat ng mga Barangay Officials sa mga impormasyon na ibinahagi na tiyak na makakatulong sa mga ito sa hinaharap.

Ang aktibidad ay isang paraan ng ating gobyerno upang labanan ang kriminalidad at pagpapataas ng kamalayan ng mga mamamayan sa iba’t ibang krimen na nangyayari sa lipunan.

Source: Sariaya Qppo Pcad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *