Clean-up drive, isinagawa sa Bukidnon

Matagumpay na isinagawa ang clean-up drive sa Purok 2, Minsalagan, Don Carlos, Bukidnon, nito lamang ika-19 ng Hunyo, 2025.

Tulong tulong ang mga residente at mga barangay officials sa paglilinis sa nasabing lugar.

Tinatayang nasa 5 iba’t ibang klase ng basura ang kanilang nakolekta.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mamamayan, lalo na ang mga kabataan na maging responsable sa pagtatapon ng basura at maiwasan ang pagkalat ng sakit at polusyon sa kanilang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *