Feeding Program, handog ng mga Barangay Council at mga PNP

Naghandog ng isang Feeding Program ang Revitalized Pulis Sa Barangay at Barangay Council ng Sagrada sa mga mag-aaral ng Sagrada Elementary School noong ika-19 ng Hunyo 2025.
Mahigit 90 estudyante ang nabigyan ng masustansiyang goto at juice sa nasabing programa.
Lubos ang pasasalamat naman ng punong-guro ng Sagrada Elementary School sa walang sawang suporta ng RPSB at Barangay Council. Aniya, malaking tulong ang programang ito sa mga mag-aaral, lalo na sa mga nangangailangan. Nagbigay din ito ng inspirasyon sa mga bata na magpatuloy sa kanilang pag-aaral.
Plano ng RPSB at Barangay Council na magpatupad pa ng mga katulad na programa sa hinaharap upang mas marami pang mga estudyante ang matulungan.
Ang ganitong programa ay hindi lamang nagbibigay ng nutrisyon kundi nagpapakita rin ng malasakit at pagkakaisa ng mga tagapaglingkod ng bayan—isang hakbang tungo sa mas maayos at maunlad na kinabukasan para sa mga kabataan ng Sagrada.
Source: R-PSB Sagrada Viga, Catanduanes