Mga Opisyales ng Barangay, nakiisa sa Anti-Illegal Drugs at Anti-Terrorism Awareness Lecture ng San Fernando PNP

Nakiisa ang mga opisyales ng barangay sa isinagawang talakayan ng San Fernando Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Major Michael C Gingoyon, Acting Chief of Police, tungkol sa Anti-Illegal Drugs at Anti-Terrorism Awareness na ginanap sa Barangay Magsico, San Fernando, Cebu noong ika-20 ng Hunyo 2025.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga mahahalagang isyu ukol sa kampanya kontra ilegal na droga at laban sa terorismo. Pinagtuunan ng pansin ang mga banta ng droga sa kabataan, pati na rin ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag laban sa mga posibleng aktibidad ng terorismo.

Pinaalalahanan din ang mga mamamayan na ang seguridad ay responsibilidad ng lahat at kailangang magtulungan upang mapanatili ang katahimikan sa barangay.

Ang aktibidad na ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng kapulisan sa kanilang tungkulin na maglingkod at magprotekta. Bahagi ito ng mas malawak na kampanya ng PNP na nakaangkla sa layunin ng Bagong Pilipinas—ang pagkakaroon ng ligtas, disiplinado, at maunlad na komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *